Bitbit ang Search Warrant sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng RDEU-NCRPO, SWAT at MPD- PS7 sa pakikipag ugnayan ng PDEA NCR Regional Office, ipinatupad nila ang Search Warrant na inisyu ni Judge Carolina I Sison of Branch 18, Manila RTC inaresto ang suspek na anak ng Barangay Chairman na si Benidect Cortez residente ng No. 2223-D, Molave St. Zone 21, Brgy. 228 Tondo, Manila.
Ang Search Warrant ay ipinatupad ng mga otoridad na nagresulta na pagkumpiska ng 4 plastic sachets ng shabu mga drug paraphernalia,1 12 gauge shotgun rifle; at 48 pcs live ammos ng cal .40.
Ang suspek ay anak ni incumbent Brgy. Chairman Ricardo Cortez na nasa listahan ng na PNP na gumagamit ng ilegal na droga.
Paglabag sa Sec. 5 and 11 of RA 9165, at R.A 10591 ang kasong inihahanda ng PNP laban sa naturang suspek.