Patay ang anak ni Barangay kapitan Mama G. Kongkong ng barangay Pamilian, Pikit sa lalawigan ng Cotabato makaraang pagbabarilin ng di kilalang mga suspect kamakalawa ng gabi.
Kinilala PSI Arvin John Basilio Cambang, deputy Chief of Police ng Pikit Municipal Police Station ang biktima na si Nasrudin M. Kongkong, 25 anyos, may-asawa, walang trabaho , residente ng Barangay Pamalian, Pikit.
Ayon sa pahayag Pikit Pnp dakong alas 6:40 nitong Enero a 27 ay tumanggap sila ng tawag mula sa isang pagamutan na may biktima ng pamamaril sa barangay Pamalian, Pikit.
Agad tinungo ng mga elemento ng Pikit Pnp ang nasabing pagamutan sa pangunguna ni SPO1 Dindo Solaiman bilang team leader, upang alamin ang nasabing ulat .
Sa pagsisiyasat ng investigating team ng Pikit Pnp , papalabas sa tahanan ng kanyang amang kapitan ang biktima at dito na siya pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang mga suspeck. Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang puson ang biktima, dahilan upang isugod sa bahay pagamutan partikular sa Crusado Medical Hospital sa bayan ng Pikit, ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay binawian ng buhay ang biktima.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang mabatid ang pagkakakilanlan ng mga suspect para masampahan ng kaso .(with report from Jesy Ali)
Anak ng barangay kapitan ng Pikit North Cotabato patay sa pamamaril
Facebook Comments