
Ibinulgar ni Senator Risa Hontiveros ang kwestyunableng pagkatao ng anak ng nickel businessman na si Joseph Sy na inaresto ng Bureau of Immigration (BI) matapos na magpanggap na Pilipino.
Giit ni Hontiveros, ipinamana ni Sy sa kaniyang mga anak ang panlilinlang dahil ito rin ay mayroong dalawang pangalan, dalawang citizenship at dalawang pasaporte.
Sa nakuhang impormasyon ng senadora, ang anak ni Sy ay may isang Chinese passport na ang pangalan ay Johnson Cai Chen at ang isa naman ay Filipino passport na may pangalan na Johnson Cua Sy.
Sa isang birth certificate na nakarehistro ay ipinanganak ito noong 1995 sa tatay at nanay na Chinese habang sa late registration noong 2014 ay idineklarang ama si Joseph Sy at Filipina naman ang ina subalit ang sinasabing ina ay Chinese naman sa naunang certificate.
Bukod dito, nakatanggap din si Hontiveros ng impormasyon na si Joseph Sy ay sangkot din sa malign influence at foreign interference activities sa bansa.









