Anak ng Isang Mayor, Arestado Matapos Makumpiskahan ng Iligal na Baril!

Gonzaga, Cagayan- Arestado ang isang anak ng Mayor kasama ang isa pang indibidwal matapos makumpiskahan ng iligal na baril dakong alas siyete y media kaninang umaga, Marso 24, 2018 partikular sa Brgy. Paradise, Gonzaga, Cagayan.

Ang mga nahuli ay kinilalang sina Jonjie Pentecostes, anak ng Mayor ng naturang bayan habang ang isa naman ay kinilalang si Antonio Bucaneg pawang mga residente na naturang barangay.

Sa panayam ng RMN Cauayan News kay Provincial Director PSSUPT Warren Tolito ng Cagayan Police Provincial Office, naunang hinuli si Pentecostes at pumangalawa namang dinakip si Bucaneg sa isinilbing Warrant of Arrest ng CIDG sa pangunguna ni Chief Senior Supt. Ronald Gayo na inihain ni hukom Executive Cecilyn Burgos Villavert ng RTC Branch 89 Quezon City.


Dinala na sa CIDG Appari ang dalawang nahuli maging ang mga baril na nakumpiska habang patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Facebook Comments