Anak ng jeepney driver na nag-viral, nagtapos na sa Ateneo bilang cum laude at valedictorian

Image via Hyacenth Berdeña on Facebook

Ibinahagi ni Reycel Hyacenth Bendeña, anak jeepney driver na nag-aaral sa Ateneo, sa kaniyang Facebook post ang mga natutunan sa pananatili sa unibersidad.

Si Bendeña ay president ng student council at cum laude sa kursong Management Economics sa Ateneo de Manila University, nag-viral siya noong 2017 dahil rin sa kaniyang Facebook post tungkol sa strike sa mga jeepney.

Ang kaniyang essay na “What Ateneo has done for you?” sinabi niyang tinuruan siya hindi sapat ang kabutihang-loob lamang, kundi pati ang mga limitasyon ng ‘individual virtue’.


“A generous Ateneo alone cannot make up for a society that does not provide fair access to opportunity for all… Generosity is the exception, not the norm in this country,” pahayag niya.

Ibinahagi rin ni Bendeña ang kaniyang mga naranasan kung saan namatay ang kaniyang lola dahil tatlong beses silang hindi tinaggap ng mga hospital dahil walang pang-downpayment, hanggang sa nawalan ng trabaho ang kaniyang ama bilang jeepney driver dahil sa modernization noon.

Sinabi niya ring dahil sa Ateneo ay naging posible na siya na anak ng jeepney driver ay nakaranas ng parehong edukasyon at ‘heroism’.

“If my story can help make Ateneo even more generous
and, at the same time, help others go beyond generosity and act for systematic change, I know I am doing things right,” dagdag niya.

Pinasalamatan niya ang kaniyang pamilya, mga kaibigan at mentors.

Facebook Comments