Anak ng Mayor ng Labason, Zamboanga del Norte – dinukot

Manila, Philippines – Dinukot ang lalaking anak ni Labason Mayor Eddie Quimbo ng anim na armadong lalaki kagabi sa Zamboanga del Norte.

Sa inisyal na ulat, ang anak ng alkalde na si Jade ay pwersahang kinuha ng mga lalaki sa tapat ng isang tindahan.

Sumakay ang mga ito sa isang maroon van na may plakang TNN-517


Sa ikinasang follow-up operation, abandonado na nang matagpuan ang van sa dalampasigan ng Sitio Ulingan, Barangay Usokan.

Pinaniniwalaan ngayon na isinakay sa isang sasakyang pandagat ang anak ni Quimbo.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng naval blockade sa nasabing lugar.

Facebook Comments