Anak ng mga OFW na nasawi sa gulo sa Israel, pinabibigyan ng scholarship ng isang kongresista

Pinabibigyan ni Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera ng scholarship ang anak at iba pang dependents ng Overseas Filipino Workers o OFWs na nasawi sa kaguluhan sa Israel.

Tinukoy ni Herrera ang Congressional Migrant Workers Scholarship Program na nasa ilalim ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Diin ni Herrera, nararapat lamang maging scholars ang kanilang mga kaanak na nag-aaral dahil ipinaglaban nila ang kanilang mga pamilya, itinaas ang dignidad ng kanilang propesyon, nagmalakaskit nang lubusan sa kanilang mga inalagaan, at nagpamalas ng sukdulang kabayanihan bilang Pilipino.


Bunsod nito ay makikipag-uganayan si Herrera sa mga kamag-anak ng mga Pilipino na nasawi sa Israel gayundin sa OWWA para agad maisakatuparan ang nabanggit na scholarship.

Facebook Comments