Anak ng pinatay na si Calbayog Mayor Ronald Aquino, nagsampa ng reklamo sa NAPOLCOM laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa kanyang ama

Naghain ng administrative complaint sa National Police Commission o NAPOLCOM si Mark Aquino kaugnay sa brutal na pagpatay sa kaniyang ama na si Calbayog Mayor Ronald Aquino.

Kabilang sa mga sinampahan ng kasong administratibo dahil sa gross misconduct at conduct unbecoming of a police officer ay sina:

Lieutenant Colonel Harry Villar Sucayre
Major Shyrille Co Tan
Captain Dino Laurente Goles
Lieutenant Julio Salcedo Armeza Jr.
Staff Sergeant Niel Matarum
Staff Sergeant Edsel Tan Omega
Niño Salem
Julius Garcia
Randy Merelos
BGen. Thomas Frias
BGen. Ronaldo de Jesus
Colonel Glenn Oliver Cinco at isang John Doe


Sa panayam kay Mark Aquino, sinabi nitong hindi sila titigil hangga’t hindi nila nakakamit ang hustisya.

Matatandaang una nang sinampahan ng kasong kriminal ang mga nabanggit na pulis dahil sa pagkakasangkot sa pananambang sa alkalde.

Facebook Comments