Anak ng Pulis-Patay, 1 Sugatan Matapos Maaksidente sa Quezon, Isabela!

4266

Cauayan City, Isabela- Patay ang 16 anyos na binatilyo habang isa ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo kaninang umaga sa poste ng ISELCO sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Brgy. Abut Quezon, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Merwin Villanueva, OIC ng PNP Quezon, kinilala nito ang nasawi na anak ng isang pulis na si Jarvis Raul Abrehena, 16 anyos, residente ng Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela habang ang sugatan ay si Daniel Jacob Baculyo, 17 anyos, residente naman ng Brgy. Samonte ng nasabing bayan.


Batay sa kanilang inisyal na pagsisiyasat, habang binabaybay ng mga biktima ang lansangan lulan ang Yamaha Sniper 150 na walang plaka na minamaneho ni Baculyo ay bigla umano silang sumalpok sa poste na nasa gilid ng kalsada.

Agad na binawian ng buhay si Abrehena habang inilipat naman sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) si Baculyo para sa kaukulang lunas.

Dagdag pa ni PCapt Villanueva, mayroon pa silang isa na tinitinignang dahilan sa pagkamatay ng 16 anyos na binatilyo.

Facebook Comments