Anak ng Pulis, Pinagbabaril!

Tuguegarao City, Cagayan – Sugatan ang anak ng isang opisyal ng pulis matapos itong pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek dakong alas sais y media ng umaga ngayong araw, Enero 16, 2018.

Kinilala ang biktima na si Mark Angelo Fieror, dalawapu’t pitong taong gulang, engineer, at residente ng Gaddangao, Rizal, Cagayan at anak ni Police Senior Inspector Vicente Fieror.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang Main Avenue corner Lapu Lapu, San Gabriel sa lungsod ng Tuguegarao ng tagisin ito ng suspek sakay ng pulang XRM MC na motorsiklo.


Matapos tagisin, ilang beses umanong pinagbabaril ng suspek ang biktima.

Agad namang nirespondehan ng Rescue 1111 ang nasabing insidente at naisugod ang biktima sa CVMC kung saan kasalukuyan na itong nagpapagaling.

Sa panayam naman ng RMN Cauayan News Team kay SUPT Edward Guzman, Chief of Police ng PNP Tuguegarao, kanyang ibinahagi na may sinusundan na silang anggulo sa motibo ng nasabing pamamaril.

Pinaiimbestigahin na rin sa SOCO ang pinangyarihan ng insidente para sa karagdagang ebidensya na maaring tumukoy sa pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments