Anak ng SB Member na Isang Brgy. Kagawad, Huli sa Buy Bust Operation!

1724

*Jones, Isabela- *Arestado ang isang barangay Kagawad na anak ni Sangguniang Bayan Member Nestor Apolinario ng Jones, Isabela dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ang suspek ay kinilalang si Francis Mart Apolinario alyas “Bong”, 37 anyos, may-asawa, kasalukuyang Barangay Kagawad ng Brgy Minuri, Jones, Isabela.


Batay sa nakuhang kaalaman ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nahuli bandang alas syete y medya kaninang umaga si Apolinario matapos na magpositibo sa inilatag na drug buy bust operation ng mga otoridad kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang limang daang piso na buy bust money, tatlong sachet ng hinihinalang shabu at isang motorsiklo na walang plaka.

Nabatid na ang suspek ay paulit-ulit nang nagtutulak ng droga sa bayan ng Jones at sa mga karatig na lugar.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Jones Police Station ang nahuling Kagawad para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ang kanyang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments

From Advertisers