Anak ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, in-appoint bilang administrator at chief executive officer ng CEZA

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang anak ni dating senador at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na si Katrina Gloria Ponce Enrile bilang administrator at chief executive officer ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Batay sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), may ranggong cabinet ang posisyon ni Enrile.

In-appoint din ng pangulo ang apo ng sikat na singer na si Armida Siguion Reyna na si Anna Cristina Villonco bilang Director III ng PCO.


Itinalaga rin ng pangulo si Ronnie Ong bilang acting Chairman at miyembro ng Board of Trustees ng Local Water Utilities Administration.

Habang si Diana Rose Cajipe ay na appoint rin bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development.

Facebook Comments