Anak ni Edu Manzano na si Enzo, nagsagawa ng solong protesta sa New York laban sa PH gov’t

Enzo Manzano/Facebook

Nagprotesta si Enzo Manzano, anak ng beteranong aktor na si Edu Manzano, sa New York kaugnay ng aniya’y ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas na pagsira sa demokrasya.

Ibinahagi ni Manzano sa isang Facebook post noong June 17 ang isinagawa niyang tatlong oras na solo protest sa harap ng United Nations Headquarters.

“How did I arrive at this decision? I realized lengthy Facebook posts don’t do the trick… ALSO… It only makes me more angry whenever news of our government comes out in the Philippines,” saad niya sa post.


Makikita sa litrato at Facebook Live ni Manzano ang bitbit niyang placards na may nakasulat na: “DUTERTE & THE PHILIPPINE GOV’T ARE TAKING AWAY MY PEOPLE’S BASIC RIGHTS! FILIPINOS CAN’T PROTEST… so I hope the WORLD can see us instead!”

“I was never the type to protest but at this point with all that the Philippine government is doing, it’s either you’re fighting to keep your country alive or not,” aniya.

“Sucks to hear that my fellow Filipinos can’t protest back home.. I hope my lone protest can make up for that. At least a little bit,” dagdag pa niya.

Sinundan ng pagkilos ni Manzano ang katatapos lang na protesta ng mga Pinoy sa bansa laban sa kontrobersyal na anti-terrorism bill noong June 12, Araw ng Kalayaan.

Sa sumunod na post ni Manzano nitong Sabado, June 20, ipinakita niya ang ikalawang araw ng kanyang protesta na isinagawa naman niya sa Consulate General of the Philippines, sa New York din.

Giit niya sa pagkakataong ito, “I am doing this for each and every one of you. It hurts to be away from our country and to see this happen. Things have dramatically changed since I’ve left and it’s only been 2 1/2 years so far.”

“I can’t stand the thought of what our home is turning into. There are multiple efforts to silence and scare you, but I hope we can make my protests loud enough for the world to see and hear!” dagdag niya.

Dala niya naman sa ikalawang araw ang placards na may mensaheng: “THE PHILIPPINE GOVERNMENT IS DESTROYING MY COUNTRY’S DEMOCRACY! HEAR US NOW (BEFORE IT’S TOO LATE).”

“TO FILIPINOS OVERSEAS: WE MAY HAVE LEFT OUR COUNTRY… BUT LET’S NOT ABANDON OUR PEOPLE.”

Facebook Comments