Inabswelto ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 197 si Juanito Jose Remulla III sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Si Juanito ay ang panganay na anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Siya ay inaresto sa kanyang tahanan noong Oktubre matapos na makuhanan ng parcel na naglalaman ng 1.25 million pesos na halaga ng kush o high-grade marijuana.
Sa kabila nito, nahaharap pa rin ang nakababatang Remulla sa hiwalay na reklamo sa Pasay Prosecutor’s Office kaugnay ng drug importation at paglabag sa customs law.
Gayunman, maaaring makalaya si Juanito lalo’t wala pa namang arrest warrant para sa ikalawang reklamo.
Bago ito, umingay rin ang mga panawagang magbitiw na sa pwesto si Remulla pero hindi ito sinang-ayunan ni Pangulong Bongbong Marcos dahil sa kawalan ng basehan.
Tiniyak naman ng kalihim na hindi siya manghihimasok o mang-iimpluwensya sa imbestigasyon sa kaso ng kanyang anak.