Anak ni Saab Magalona na si Pancho, sumailalim sa isang surgery

Matagumpay na natapos ang surgery ng anak nina Saab Magalona at Jim Bacarro na si Pancho ngayong Biyernes, April 11.
Ito ay para alisin na ang Ommaya Reservoir na inilagay sa anit ng sanggol ilang araw pa lamang matapos itong isilang.
Sa instagram post ng ni Saab, masaya niyang ipinamalita na aalisin na ang reservoir nagsilbing brain pressure reliever ng sanggol. “Good is good!” ika ng proud mommy ni Pancho kalakip ang labis nitong pasasalamat sa pagdadasal ng lahat para sa anak.

Facebook Comments