Anak ni Senator JV Ejercito, na-scam ng ₱120,000 sa savings

Natangay ng mga scammers ang perang ipon ng panganay na anak ni Senator JV Ejercito na si Emilio.

Nabiktima ng mga scammers ang anak ni Ejercito matapos magparehistro ng kanyang subscriber identity module (SIM) card.

Hinala ng senador na posibleng ‘inside job’ ang nangyari dahil alam ng mga sindikato ang lahat ng impormasyon ng kanyang anak tulad ng birthday at house address.


Nangyari din aniya ang kaparehong insidente matapos na kumuha ng credit card ang kanyang anak na pati lahat ng impormasyon at background ay alam ng scammer.

Nanghihinayang si Ejercito sa ilang taon na inipon din ng kanyang anak habang nagtatrabaho.

Dahil bata pa at walang muwang ang kanyang anak ay nagtiwala at naibigay nito ang kanyang one time password o OTP sa scammer sa pag-aakalang lehitimong agent ang nakikipagusap sa kanya.

Aabot aniya sa P120,000 ang nawala mula sa savings ng kanyang anak.

Facebook Comments