Naging aktibo na sa national political party ang anak ni Senator Manny Pacquiao na si Jimuel bilang paghahanda sa pagtakbo ng kanyang ama sa 2022 presidential bid.
Ayon kay Melvin Matibag, Secretary-General ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), nakaupo si Jimuel Pacquiao bilang Youth Affairs Committee Chairman ng Labor Party of the Philippines.
Dahil dito, naniniwala si Matibag na tuloy na ang nais ni Senator Pacquaio na tumakbo bilang presidente para ma-secure nila ang iba’t ibang grupo.
Wala naman aniyang nilabag sa batas ng PDP-Laban ang nangyari.
Facebook Comments