Anak ni Yumaong SP Rene Uy, Nanumpa na bilang Sangguniang Panlungsod Member

*Cauayan City, Isabela*- Pormal nang nanumpa bilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Cauayan ang anak ni dating SP Rene Uy na si Brgy. Kagawad Ariel Kenneth “Balong” Uy.

Pinangunahan ni Isabela Governor Rodolfo Albano III ang panunumpa ni SP Uy sa kapitolyo na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan nito maging si City Mayor Bernard Faustino Dy.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay SP Uy, kanyang sinabi na bagama’t sariwa pa ang pagkamatay ng kanyang ama ay ipagpapatuloy pa rin ang mga nasimulang proyekto nito para sa mga Cauayeño.


Hahawakan ni City Councilor Uy ang komite ng kanyang ama na ‘Human Resource’ habang hahalili naman sa kanya bilang Barangay Kagawad ang nakababatang kapatid nito na si Reynaldo Uy Jr. na dati ring naging Sangguniang Kabataan Chairperson ng Brgy. District 1 sa nasabing lungsod.

Simula sa darating na lunes (December 2, 2019) ay manunungkulan na ito sa konseho.

Facebook Comments