Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at House Deputy Speaker at SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta, muling namahagi ng gamot na Ivermectin sa covered court sa Brgy. Balingasa, Quezon City

52

Muling namahagi ng gamot na Ivermectin sina Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at House Deputy Speaker at SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta.

Sa pagkakataong ito ay sa Brgy. Balingasa, Quezon City naman sila namigay.


Sinabi ni Defensor na nasunod naman ang koordinasyon nila sa barangay sa aktibidad.

Nasa 50 na residente lang sana ang target na mabigyan pero mahigit dalawandaang residente ang dumating at nabigyan ng naturang gamot.

Hindi naman nabigyan ng Ivermectin ang mga may meningitis at liver cirrhosis.

Facebook Comments