Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo ng kabataan sa harapan mismo ng tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) pasado alas-10:00 ng umaga ngayong araw.
Pinanguhan ng Anakbayan youth ang kilos-protesta kung saan ilan sa kanilang panawagan ay palayain ang mga political prisoner ng kasalukuyang administrasyon.
Panawagan din nila na bumaba na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, itigil ang red tagging at ibasura ang Anti-Terror Law.
Ayon kay Carl Uba, Chairperson ng Stand Up, tinawag nila ang nasabing kilos protesta sa “Araw ng Pagbawi.”
Kasabay nito, nagsagawa rin sila ng community fair sa CHR grounds kung saan mayroon itong iba’t ibang kalse ng mga paninda tulad ng damit, pagkain, palamuti at iba pa.
Pahayag ni Uba, layunin ng kanilang community fare na matulungan makakalap ng pondo ang iba’t ibang grupo na nagbibigay ayuda sa komunidad ngayong panahon ng pandemya kung saan kabilang dito ang mga nagsasagawa ng mga community pantry.