Anak,Patay nang Saksakin sa Diddib ng Kanyang Sariling Ama sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Sinaksak ng suspek ang kanyang sariling anak gamit ang isang kutsilyo pasado alas-dyes (10:00) kagabi sa Sitio Tueg, Brgy. Bitag Grande, Baggao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Rick Gawat, 40 anyos, isang driver habang nakilala ang suspek na si Amando Gawat kapwa residente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Baggao Police Station, lango sa nakalalasing na inumin ang biktima nang umuwi ito sa kanilang tahanan at nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng kanyang ama hanggang sa mauwi sa pagsaksak sa dibdib ng biktima gamit ang isang kutsilyo na tinatayang na 14 pulgada ang haba.


Agad na binawian ng buhay ang biktima habang tumakas ang suspek sa bulubunduking bahagi sa kanilang lugar.

Nagtulong-tulong na ang mga opisyal ng barangay sa kanilang lugar para sa ikadarakip ng suspek at nabatid na dati ng nakulong ang suspek sa loob ng 20 taon dahil sa kasong Pagpatay.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong Parricide laban sa ama ng biktima.

Facebook Comments