Kinastigo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Leftist group na Anakpawis dahil sa tahasang paglabag nito sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Kasunod ito ng pagtatangka ng ilang miyembro ng Anakpawis na bumiyahe sa Norzagaray, Bulacan sa lambong ng pamimigay ng relief goods sa gitna ng ECQ.
Tinawag ni Assistant Secretary Jonathan Malaya, tagapagsalita ng DILG, na pasaway si Anakpawis party-list Congressman Ariel Casilao at kaniyang mga kasama.
Ani Malaya, ang pakay nina Casilao sa Norzagaray ay makapag-organisa ng mass gathering na kontra gobyerno.
Maliban sa hindi nakipag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang grupo, nakuha sa kanilang ginamit na sasakyan ang mga tarpaulins, pamphlets at mga propaganda materials
Binigyang diin ni Malaya na malinaw na isang propaganda stunt ang ginawa nina Casilao.
Malinaw, aniya, na sa ilalim ng quarantine rules, ang mga bibili ng gamot at pagkain ang pinapayagang makalabas ng bahay para hindi kumalat ang virus.