Ancestral house ni PRRD, dinagsa para sa tradisyunal na gift-giving

Dinagsa ng mga tao ang ancestral house ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City para sa tradisyunal na pamamahagi ng Pamasko.

Bukod sa mga de lata at dalawang kilo ng bigas, nakakakuha ang mga pumila ng pagkain mula sa fastfood, gift certificate na nagkakahalaga ng P300 at pamasahe.

May mga pulis naman na nagbabantay at may namamahagi ng tubig para sa mga nakapila habang nagkaroon din ng programa para libangin ang mga tao.


Nabatid na taon-taon na ginagawa ng Pangulo ang pamamahagi ng pamasko kahit noong alkalde pa lang siya ng lungsod.

Facebook Comments