Itinalagang Deputy Governor for Christians Affairs sa Autonomous Region in Muslim Mindanao si dating ARMM Development Academy Director Edgardo “Prof. Edgar “ Ramirez.
Layun nito ay para matutukan at matugunan ang kapakanan ng mga non- muslims sa rehiyon base na rin sa naging direktiba ni ARMM Governor Mujiv Hataman.
Magsisilbing boses rin ito ng mga Non- Muslims ng ARMM kay Gov. Hataman.
Si Dep Gov Ramirez ay kilalang human rights at peace advocate sa rehiyon.
Nagpasalamat naman si Prof. Edgar kay Gov. Hataman sa suporta at tiwala nito sa kanya, kasabay ng pangakong gagampanan ng naaayon ang kanyang bagong mandato.
Kasalukuyang bahagi rin si Prof. Edgar ng “ Sentro Serbisyo Radio Program” ng Radio Mindanao Network Cotabato- DXMY bilang Anchorman kasama sina Michael Suan at Station Manager Erwin Cabilbigan.
Anchorman ng DXMY itinalagang Deputy Governor sa ARMM
Facebook Comments