Andanar: Erwin Tulfo, qualified maging sunod na press secretary ng Pangulo

362

Ipinahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na “qualified” daw bilang susunod na “press secretary” ang broadcast journalist na si Erwin Tulfo.

Pinuri ni Andanar ang ilang dekadang karanasan ni Tulfo sa media–mula sa pagtatrabaho nito sa print, paglipat sa ABS-CBN, TV5 at ngayon sa gobyerno.


Ani Andanar, nakuha na ng broadcaster ang tiwala ng milyong Pilipino at may malaking following kaya’t “mabigat” ang credentials nito.

Sinabi rin ng Communications Secretary na hindi pa siya inaalok ng Pangulo ng panibagong post sa gobyerno.

Matatandaang nakaraang taon, usap-usapan ang pagbuwag sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ibabalik ang Office of the Press Secretary.

Mayroon namang nakabinbin na draft para sa pagbabalik ng nasabing ahensya na pipirmahan na lamang ng Pangulo.

Facebook Comments

From Advertisers