Andanar, pinagbibitiw na sa pwesto

Manila, Philippines – Pinagre-resign na ni Akbayan Rep. Tom Villarin si Communications Sec. Martin Andanar.

Ito ay kasunod ng bastos nitong batikos sa EU na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte pagdating sa karapatang pantao.

Ayon kay Villarin, bilang dating journalist ay dapat batid ni andanar na hindi ganito ang pagtrato sa mga kritiko.


Bilang myembro din ng gabinete ng Pangulo ay hindi ganito ang behavior ng isang public official.

Pinayuhan din ni Villarin si Andanar na hindi dapat ginagaya ang salita ng Pangulo na highly unbecoming para sa isang taga-gobyerno.

Facebook Comments