Andi Eigenmann, engaged na sa non-showbiz partner na si Philmar Alipayo

Engaged na si Andi Eigenmann sa non-showbiz partner nito na si Philmar Alipayo.

Ito ang masayang ibinalita ni Andi sa kanyang Instagram post kahapon, araw ng Linggo, December 20, 2020.

Sa post ni Andi, makikita silang dalawa ni Philmar na nasa beach, magkaakap habang ipinakita ng aktres ang kanyang kamay na may suot na engagement ring.


Say nito, hindi niya inaasahan na magkakaroon pa siya ng engagement lalo na’t hindi naman na niya ito iniisip.

Pero nangyari pa rin ito sa hindi inaasahang panahon kung saan sobrang meaningful at sincere ang marriage proposal ni Philmar sa kanya.

Sa hiwalay naman na Instagram post ni Philmar, lubos ang ligayang ibinahagi ng champion surfer ang pagsagot ni Andi ng “yes” sa kanyang proposal.

Sa ngayon ay one year old and five months na ang anak nila Philmar at Andi na si Baby Lilo habang buntis ang aktres sa ikalawa nilang anak.

Facebook Comments