Inamin ni Andi Eigenmann na nakakaranas siya ng postpartum depression matapos manganak sa ikalawang baby girl na si Lilo nitong Hulyo 23.
Sa Instagram post, ibinahagi ni Andi ang larawan kasama sina Lilo at Ellie pati ang kaniyang pinagdadaanan na ‘anxiety’.
“What I didn’t realize is that there are also other aspects of being a new mom that I may have needed to prepare my mind for as well,” pahayag ni Andi.
“I neglected the part where emotional healing might be necessary too. I guess this is what postpartum depression looks like to me,” dagdag niya.
Ang postpartum depression ay mood disorder ng mga kababaihan matapos manganak. Nakararanas sila ng pagkalungkot, kapaguran o nahihirapan alagan ang sarili na sanhi ng pagbaba ng kanilang hormones.
Sinabi rin ni Andi na hindi siya makatulog sa gabi at umiiyak na lamang dahil sa sitwasyon na kinalalagyan.
“I’ve been having so many thoughts of guilt. I’ve been questioning every decision I’ve made that led me here,” aniya.
Bumaha naman ng komento ng payo ng kaniyang mga taga-suporta at mga kwento na nakaranas din ng parehong sitwasyon at kung paano ito malalagpasan.
“My girls. My source of strength and inspiration. It will be us 3 no matter what.❤️ My greatest loves. Always, always, always,” ani Andi.
Nakilala si Andi Eigenmann sa kaniyang hit teleseye noong 2010 na ‘Agua Bendita’. Pansamantalang nag-hiatus siya sa showbiz noong 2011 nang manganak sa kaniyang panganay na si Adriana Gabrielli o ‘Ellie’, anak ni Andi kay Jake Ejercito.