Andi Eigenmann, nag-quit na raw sa showbiz

Manila, Philippines – Nag-quit na raw sa showbiz si Andi Eigenmann.
Sinabi ito ng aktres sa kanyang instagram matapos patulan ang isang basher na tumawag sa kanya ng “snob” at “hindi sikat”.

Una rito, sinabi ng netizen na masungit daw pala sa personal si Andi dahil tinaasan raw niya ng kilay ang kanyang kapatid na nagpapa-picture lang noon sa aktres habang nasa airport.

Banat naman ni Andi, hindi siya nang-i-snob ng mga taong nakakakilala sa kanya maliban na lang kung hindi maayos ang pakikitungo sa kanya.


Dito na ibinunyag ng aktres na nag-quit na siya sa showbiz dahil hindi na siya masaya.

Mas gusto raw niya ngayon na mag-focus bilang isang full time mom.

Sa huli, sinabihan ni Andi ang basher na huwag magsalita para sa iba dahil wala siyang alam sa totoong nangyari.

Facebook Comments