Andi Eigenmann, sinagot ang follower na nagsabing ‘peke’ ang kurba ng kanyang katawan

910
(Andi Eigenmann Instagram)

Isang simpleng “thanks” ang sinagot ng aktres na si Andi Eigenmann sa komento at akusasyon ng isa sa kanyang mga followers tungkol sa umano’y edited na kurba ng kanyang katawan.


Sa isang larawang ibinahagi ni Andi sa Instagram, makikita ang kuha mula sa kanyang side view habang hawak ang produkto ng Herbal Essence na ipinagmalaki niya sa kanyang post.

“Excited to share with you that Herbal Essences has a new variant: Blue Ginger and Micellar,” saad niya.

Ngunit isa sa mga netizen ang pumuna sa kanyang litrato.

Sabi nito sa comment, “It looks so fake to some degree sry Andie ✌🏻 Notice the wood near her butt and too slim waistline which makes her arm bigger.”

Agad namang sinagot ni Andi ang komento at sinabing, “Thanks!!!πŸ˜‚.”




Hindi naman nagpahuli ang mga kapatid ni Andi na sina Max at Stevi na nagbigay din ng komento laban sa akusasyon.

Saad ni Max, “I didn’t realize strong arms matched with a toned waist & a firm butt was considered fake na pala πŸ€·πŸ»β€β™€οΈπŸ˜‚ Good job, baby.. you look amazing! 😍.”

“…she aint techy enough to understand what ur saying but das ok ty for ur timeπŸ‘ŒπŸ» – her personal editor πŸ‘πŸ»,” giit naman ni Stevi.

Umalma rin ang mga tagasuporta ng aktres na sinagot ang komento ng naturang netizen.

Samantala, maaalalang nagsilang ng kanyang ikalawang sanggol si Andi noon lamang Hulyo nakaraang taon.

Ibinahagi niya rin sa publiko ang pinagdadaanan tungkol sa body image at sinabing, natutunan niyang yakapin ang kanyang imperfections at mas nagkaroon umano siya ng kumpiyansa sa sarili.

Facebook Comments