Andray Blatche, balik bansa para sa FIBA World Cup

Balik bansa si Filipino naturalized player Andray Blatche para sa natitirang FIBA World Cup Qualifying Games.

Makakaharap ng Team Pilipinas ang Qatar sa Pebrero 21 at Kazakhstan naman sa Pebrero 25 para sa pag-asang manalo at makapasok sa World Cup ngayong taon.

Matatandaang hindi nakapaglaro si Blatche sa apat na qualifying games kung saan tatlo rito ay bahagi ng kanyang suspension dahil sa pagkakasangkot sa sa rambol na naganap noong Hulyo laban sa team Australia.


Habang hindi naman sinama ni Guiao si Blatche sa preliminary roster sa Iran game.

Facebook Comments