Andray Blatche, excited na daw makabalik ng Pilipinas para muling maglaro sa national team na sasabak sa SEABA championship

Manila, Philippines – Excited na daw ang naturalized Filipinocitizen na si Andray Blatche na maglaro muli sa Gilas Pilipinas na sasabak sa SoutheastAsia Basketball Association (SEABA) Championship.
  Sa Lunes o Martes ay dadarating na ang 6’11 NBA veteranplayer para sumabak sa training ng national team kung saan 100 percentphysically fit daw ngayon si Blatche matapos maglaro sa Xinjiang Flying Tigers atmakuha nila ang kampeonato sa Chinese Basketball League (CBL).
  Kagabi ay inanunsiyo ni Coach Chot Reyes ang finalline-up ng Gilas at kabilang na dito si Blatche habang makakasama niya sina CalvinAbueva, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, June Mar Fajardo, Jio Jalalon, AlleinMaliksi, Roger Pogoy, Terrence Romeo, Troy Rosario, Jayson Castro, at MatthewWright.
  Gaganapin naman ang SEABA sa bansa mula may 12-18, atmagsisilbi itong qualifier para sa  2017 FIBAAsia Cup sa Beirut, Lebanon.

Facebook Comments