Magbabalik muli sa Gilas Pilipinas ang naturalized player na si Andray Blatche.
Ito ay kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilo.
Aniya, pinaplantsa na sa panig ni Blatche ang mga detalye ukol dito.
Matatandaang hindi nakapasok ang pangalan ng 6-foot-10 big man sa 20-man line-up ng Gilas na isinalang noon sa back-to-back home games noong Nobyembre 30 at Disyembre 3.
Una nang sinabi ni Blatche na susuotin na raw nitong muli ang national colors sa ika-anim na window ng FIBA World Cup Asian Qualifers sa susunod na taon.
Facebook Comments