Andray Blatche, planong kunin bilang import sa PBA Commissioners Cup

86

Planong kunin bilang import sa 2019 PBA Commissioner’s Cup si naturalized player Andray Blatche kung sakaling makapasok ang Team Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup.

Nabatid kasi na maagang matatapos ang paglalaro ni Blatche sa Chinese Basketball League bago matapos ang buwan ng Marso habang sa Abril naman magsisimula ang susunod na conference ng PBA.

Posibleng maglaro si Andray sa TNT KaTropa o sa NLEX Road Warriors para magabayan ni national head coach Yeng Guiao.

Sinasabing ang planong paglalaro ni Blatche ay para makondisyon ito at masanay nang husto bago sumabak sa World Cup.

Facebook Comments