Andrew Bogut, pumirma ng isang taong kontrata sa Los Angeles Lakers

NBA – Nakatakda nang pumunta sa Los Angeles Lakers si 2005 1st Overall Pick Andrew Bogut matapos niyang pumirma ng isang taong kontrata sa koponan.

Naka rekober na ang 32-year-old center sa leg injury na sinapit niya noong nakaraang season.

Makakasama niya si 2017 2nd Overall Pick Lonzo Ball at sentro na si Brook Lopez sa darating na ‎2017-2018 NBA season.


Nagtala si Bogut ng average stats na 10 points, 8.9 rebounds, 2.3 assists at 1.6 blocks sa labing dalawang taong paglalaro sa liga.

Facebook Comments