Manila, Philippines – Nakahanap ng kakampi si PNP Chief Ronald Delarosa sa isyu ng no-tattoo rule na isinusulong ng Philippine National Police (PNP) para sa mga aspiring policemen.
Ito ay matapos salungatin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pending proposal sa Mababang Kapulungan ng kongreso na humihiling na pagbasura sa naturang polisiya.
Ipinahayag ito ni DILG Chief Eduardo Ano sa mga pahayag ng ilan na ang tattoo ay hindi dapat gawing basehan sa pagpasok ng isang mahusay na indibidwal sa police organization.
Aniya ang PNP, bilang isang organisasyon na nagpapatupad ng batas hindi maganda sa paningin ng tao na makita ang isang pulis na may tattoo na nakaukit sa katawan.
Aminado din ito, na hindi hadlang ang tattoo sa tungkulin ng isang police officer, subalit hindi naman maikakaila na makakalikha ito ng impression na makakabawas sa tiwala at kooperasyon ng publiko.
Nais ng DILG at PNP na maging marangal ang tingin sa mga pulis habang suot ang uniporme, at walang tattoo sa katawan.