Ang Hindi Susunod Ipapasar!

27

Baguio City, Philippines- Pinaplano ni Baguio City Councilor Francisco Ortega VI ang pagpapasara sa mga bars na hindi sumusunod sa mga alituntunin ng Baguio City sa susunod na taon.

Ayon sa kanya ay imo-monitor umano ang mga bar sa kahabaan ng Salud Mitra, Leonard Wood Road at Maharlika Building para sa pagsunod nito sa mga alituntunin na ipinapatupad sa bawat establishyemento at pag napatunayang hindi ito sumusunod ay hindi na umano papayagang mag renew ng mga permit at lisensya ang mga nasabing bar.


Ayon sa kanya ay ilang barangay opisyal na mismo ang humingi ng tulong sa kanya para maayos ang problema sa peace and order sa mga nagkalat na bar sa mga dating residential area.

Facebook Comments