ANG LAKI! | Dambuhalang oreo sa Bahrain – tampok sa Guinness World Records

Bahrain – Pasok sa listahan ng Guinness World Records ang dambuhalang oreo cookie sa Bahrain bilang “largest cream-filled biscuit” sa buong mundo.

Ang biscuit na may timabang na 73.4 kilogram ay ginawa bilang bahagi ng opening ng bagong factory nito sa Manama.

Ayon sa Mohamad Shalaby, Plant Director ng Mondelez Bahrain Biscuits – 6,495 times itong mas malaki kumpara sa regular-sized oreo na may timbang lang na 11.3 grams!


Na-break nito ang record na 28.24 kilogram na nasungkit ng Hoppe Food Group & Midden Brabant College sa The Netherlands noong 2011.

Ang mas nakakabilib pa rito, gawa ang biscuit sa dough at cream na ginagamit din sa paggawa ng regular-sized oreo.

Facebook Comments