Padadalhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng demand letter ang mga tiwaling barangay official na dawit sa iregularidad sa pagpapatupad ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, walang lugar sa public service ang mga manlolokong barangay officials.
Dapat makapagbigay ang mga barangay officials ng ‘justifiable’ na dahilan kung bakit hindi sila dapat makasuhan.
Kapag hindi valid ang kanilang sagot ay kakasuhan ang mga ito.
Mayroong ilang city at municipal treasurer’s offices ang nagpadala na ng demand letters sa concerned barangay officials.
Iginiit ng DILG na kailangang i-liquidate ang SAP cash assistance sa treasury office.
Facebook Comments