Manila, Philippines – Magbabalik-serbisyo na ang 972 mga pulis-Caloocan matapos na makapasa sa kanilang retraining.
Kabilang sila sa 1,076 na mga pulis na isinailalim sa focused reformation/reorientation and moral enhancement training na bahagi ng internal cleansing program ng PNP.
September 29 nang ma-relieve sa serbisyo ang mga pulis-Caloocan matapos na maharap sa iba’t ibang kontrobersya gaya ng pagpatay kina Kian Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz sa Anti-Illegal Drugs Operation at illegal na raid sa isang bahay sa lungsod.
*U*maasa naman ang PNP na magiging daan ang inaasahang dobleng sahod ng mga pulis na magsisimula na sa Enero 2018 para hindi na sila magbalik sa pagiging tiwali.
Facebook Comments