Matagumpay na nairaos ng mga taga San Carlos City, Pangasinan ang kanilang taunang pagdiriwang ng Mango-Bamboo Festival Street Dancing Competition 2018, noong ika-23 ng Abril sa Virgen Milagrosa University Foundation Oval Area. Mango-Bamboo Festival street dancing competition ay isa sa pinakamalaking highlights ng kapistahan ng lungsod ngayong Abril. Kilala ang buong lungsod ng San Carlos dahil sa pinakamalaki at ang pangunahing sentro ng kalakalan ng mangga at kawayan sa buong Pangasinan. Mga Nipa huts, basket, cabinet, lamp shades, furnitures ang ilan mga sa produkto na gawa sa kawayan at ang “mango carabao” na sobrang tamis. Ayon kay G. Reynaldo De Guzman ang Event Chairman ng San Carlos City, “ ito ang idineklara ng Sanggunian at Festival ng buong lungsod simula noong 2001, nakasaad din sa Ordinasa ng lungsod ang araw ng pista ng San Carlos sa huling linggo ng Abril.” Ang patimpalak ay nilahukan ng mga kabataan ng siyudad, anim (6) na grupo o tribu at binubuo iba’t ibang barangay ng lungsod. Ang Tribu Sinag Norte, Tribu Salinggawi, Tribu Angel Dela Guardia, Tribu Maaliguas, Tribu Abante at PSU Rowlers ang nag-iisang paaralang kalahok. Hindi magkamayaw ang mga taga suporta ng bawat tribu nang magpatalbugan na ang mga ito, ipinakita ng iba’t ibang kalahok ang tanging mensahe ng kanilang produkto sa mga tao. Hangarin din ng okasyong ito upang mapalaganap ang mango-bamboo Festival sa buong Pilipinas. Hindi maipinta ang mukha ng mga manonood dahil sa kanilang nasaksihang ganda at kulay ng mga kasuotan ng mga kalahok sa patimpalak. Sa huli, tatlong grupo ang napili ng mga hurado na pinakamagaling sa lahat, nasungkit ng Tribu Maaliguas ang 2nd place, PSU Rowlers naman ang 1st place, Tribu Abante ang itinanghal na kampeon at Best in Costume sa naturang patimpalak ng lungsod.
Ulat ni Jhon Michael Caranto
ANG SAYA | Mango-Bamboo Festival Street Dancing Competition ng San Carlos City, Pangasinan, idinaos ng matanggumpay!
Facebook Comments