New York – Kung may dessert museum ang Pilipinas dinarayo naman ngayon sa New York ang kanilang “Candytopia”.
Ang Candytopia ay isang interactive exhibit na binunuo ng mga life-sized portrait ng mga sikat na Hollywood stars at sculptures na gawa lahat sa candy!
Kabilang naman sa mga nagtatamisang sculpture ang life-sized na kotse, playground, flying unicorn, flying pigs, tsunami, duyan, liberty statue at iba’t-ibang sea creatures.
Co-creator ng exhibit si Jackie Sorkin na tinaguriang Hollywood Candy Queen.
Tatagal ang exhibit hanggang November 15 na target din nilang sunod dalhin sa San Francisco.
Facebook Comments