ANG TAMIS! | Energy drinks, inilagay sa ‘high-sugar’ content category

Manila, Philippines – Inilagay ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kategoryang ‘high-sugar content’ ang mga energy drinks.

Ito ay bahagi ng bagong isinusulong na labeling standards para sa matatamis na inumin.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, mataas talaga ang nilalamang asukal ng mga energy drinks.


Para aniya malaman kung mataas ang asukal ng isang inumin ay inirekomenda nito sa Food and Drug Administration (FDA) at iba pang kaukulang ahensya na gamitin ang benchmark na mataas sa 25 gramo ng asukal sa kada 200ml na serving.

Sa pamantayang ito, masasakop ang mga energy drink na kadalasang naglalaman ng 46 grams ng sugar sa kada 240ml serving.

Facebook Comments