Angadanan Chess Tournament, Umarangkada Na!

Angadanan, Isabela – Umarangkada na ang malakihang chess tournamaent sa bayan ng Angadanan Isabela.

Ang torneong ay inorganisa ng Vice Mayor’s League of Isabela sa pamamagitan ng kanilag pangulo na si Angadanan Vice Mayor Diosdado Siquian, NCFP, CEFAG at 98.5 Mhz DWKD RMN Cauayan.

Umabot ang mga kalahok sa bilang na 71 sa open tournament samantalang 30 sa kiddies division.


Kabilang sa mga prominenteng lumahok sa chess tournament na ito ay sina Grandmaster Rogelio Antonio Jr at Darwin Laylo, sina International Master Chito Garma, Barlo Nadera at Ronald Bancod, FIDE Master Roel Abelgas at mga National Master na sina Merben Roque, David Elorta, Alcon Datu at Emmanuel Emperado.

May mga lokal ding mga manlalarong lumahok mula sa Isabela, Cagayan, Apayao at Ifugao.

Ang chess tournament na ito sa Angadanan, Isabela ay nakatakda sa araw ng Disyembre 16 at 17, 2017 ay pormal na binuksan ng ceremonial move nina Angadanan Vice Mayor Diosdado Siquian at Attorney Anthony Orbe ng NCFP.

Facebook Comments