ANGALACAN RIVER, PLANONG GAWING TOURIST ATTRACTION NG LGU MAPANDAN

Inilahad ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Mapandan ang plano nitong gawing tourist attraction ang Angalacan River sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Mayor Karl Christian Vega, inilahad nito ang intensyon nitong planong gawing parke ang naturang ilog matapos bumisita ang Non-governmental organization na Philippine Business for Social Progress upang tumulong sa reforestation o ang pagpapaganda ng isang tourism park.
Ayon pa sa kanya, on -going na ang isinasagawang 50-Million Project na ito kung saan ito ang phase 1 na donasyon ng kongresista ng ikatlong distrito at dagdag pa niya nasa kalahati na ng 2.1 kilometers stretch ng proyekto ang naumpisahan na.

Ang proyekto ay isang slope protection project na may layuning pagandahin ang slope o gilid ng ilog ng Angalacan para sa layunin ding pagpapanda ng bayan ng Mapandan.
Nagkaroon na na rin umano ng koordinasyon ang LGU at ng Brgy. Officials sa lugar upang maipaliwanag ang proyekto.
Samantala, ayon pa sa kanya, magandang balita umano ito dahil sa susunod pa taon pa sana umano ang umpisa ng konstruksyon nito ngunit dahil sa tulong ng mga donasyon ay kanila ng naumpisahan ngayong 2023. |ifmnews
Facebook Comments