
Walang balak si Education Sec. Sonny Angara na magbitiw sa tungkulin.
Sa kabila ito ng kanyang pagkakadawit sa kanya sa flood control scandal.
Ayon kay Angara, pawang “hearsay” lamang ang akusasyon laban sa kanya.
Aniya, walang specific na akusasyon laban sa kanya at wala ring lumutang na ano mang transaksyon na kinasasangkutan niya.
Tiyak aniyang mababasura ito kapag umabot sa korte.
Una nang nagbitiw sa tungkulin si Education Usec. Trygve Olaivar matapos siyang idawit sa katiwalian ni dating Public Works Usec. Roberto Bernardo.
Ayon kay Bernardo, si Olaivar ang tumatanggap ng deliveries kay Angara noong senador pa ang kalihim.
Ayon sa pangulo, dapat muling maging bahagi ng mga mag-aaral ang palakasan, simula sa simpleng intramurals hanggang sa mas malalaking kompetisyon, para maging mas mabubuting indibidwal.
Kasabay nito, ipinagmalaki ni PBBM ang malawakang pag-upgrade ng sports infrastructure ng pamahalaan na mas moderno, mas kumpleto, at handang magbigay ng world-class training, mula nutrisyon hanggang sports medicine.









