Angat at La Mesa dam, bahagyang tumaas ang lebel ng tubig kasunod ng malakas na ulan kahapon

52

Bahagyang nakatulong sa lebel ng tubig sa Angat Dam at La Mesa Dam ang malakas na pag-ulan kahapon.


Batay sa monitoring ng PAGASA Hydro Division, mula alas-6:00 ng umaga ngayong Sabado, umabot na sa 182.02 meters ang lebel ng Angat dam.

Tumaas ito ng .35 meters kumpara sa naitala kahapon 181.67 meters.

Maliban sa Angat, tumaas din ng 0.06 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam na umabot na sa 78.61 kumpara sa 78.55 kahapon.

Gayunman, malayo pa rin ito sa normal high water level na 210 meters para sa Angat at 80.15 sa La Mesa Dam.

Facebook Comments