Angat Dam at Ipo Dam, itinigil na ang pagpapakawala ng tubig na dala ng epekto ng shearline

Isinara na ng Angat Dam at Ipo Dam ang mga bukas nilang gate matapos magpakawala ng tubig bunsod ng epekto ng shearline.

Ayon sa PAGASA Hydro Division, isinara ng Angat ang isa nilang gate kaninang 7AM habang kaninang 8AM naman isinara ng Ipo Dam ang isa nilang gate.

Nasa 213.86 meters na ang lebel ng tubig ng Angat Dam.

Ito ay lampas na sa 212 meters na normal high water level nito.

Nasa 100.98 meters ang water level ng Ipo na mas mataas sa 100.83 level nito kahapon.

Ang Binga Dam ay nagpapakawala naman ng 41.38 cubic meters na tubig.

Ang water level nito ay nasa 574.1 na malapit na sa 574.57 na normal high water level nito.

Kabilang sa mga lugar na maapektuhan nito ay ang mga Barangay Dalupirip at Tinongdan sa Itogon, Benguet.

Facebook Comments