Angat Dam, nakawala na sa critical level

Nakawala na sa kritikal lebel ang tubig sa Angat Dam.

Sa monitoring ng PAGASA Meteorology Division, alas sais ng umaga kanina nasa 161.08 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam.

Ito ay .079 cm na bahagyang mataas kung ihahambing sa 160.29 meters kahapon ng umaga.


Habang ang Ipo Dam naman ay nasa 99.77 meters na mas mababa sa maintaing level na 101 meters.

Tumaas din ang water elevation ng La Mesa Dam.

Alas sais ngayong umaga ay nasa 72.35 meters ang water elevation mula sa 72.23 meters kahapon ng kaparehong oras.

Pero sa kabila nito, panawagan pa rin ng Maynilad water services sa publiko, makiisa sa pagtitipid sa limitadong supply ng tubig hanggang makabawi ang mga dam sa kakapusan ng tubig.

Paliwanag nito, ang pagtaas ng lebel ng tubig ay malayo pa rin ito sa minimum operating level na 180 meters.

Maging ang tubig sa Ipo Dam ay nanatili pa ring mababa sa maintaining level nito.

Samantala ang Manila Water naman ay tuloy-tuloy pa din ang pagpapatupad ng rotational service interruption sa Metro Manila east zone cities at municipalities.

Patuloy na ginagawa ito ng Manila Water upang pantay na mabigyan ng limited supply ng tubig ang mga costumers.

Facebook Comments