Kinumpirma ng PAGASA Hydrometeorology Division na patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Angat Dam.
Batay sa talaan ng PAGASA Hydrometeorology Division, ang naturang hakbag ay dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan sa watershed ng Angat Dam.
Ayon sa PAGASA, isang gate ang bukas sa Angat Dam na may opening na point 50 Meters kung saan nasa 60 Cubic Meterper second ang pinakawalan na tubig.
Paliwang pa ng PAGASA, kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 212.75 Meters ang Level ng tubig ng Angat Dam na mas mataas sa normal high water level.
Facebook Comments